Saturday, May 23, 2009

Pagibig at Pagsunod

Hay naku!!! Anu ba naman yan ang buhay talaga ng isang Kristiyano di basta basta.... Mahirap talaga ang maging isang tunay at genuine na Kristiyano no.... Tama ba to? Pero totoo naman di ba? Sabi sa Mateo 7:13-14 "Pumasok kayo sa makipot na pintuan sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan at ito ang dinaraanan ng marami ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daan patungo sa buhay, at kakaunti lang ang nakakasumpong niyon." Mahirap naman talaga di ba? Ikaw ba naman maipit o magasgasan sa pagdaan sa makitid na daanan. masakit yun !!! Magreklamo ba naman... Di po ako nagrereklamo nageexpress lang po... Ika nga; " Ang gusto na sumunod kay Hesus ay dapat na magpasan ng kanyang sariling krus at sumunod sa kanya."( Lukas 9:23) Pero gaano nga ba talaga kabigat ang krus na pinapapasan nya sa atin? Di ba napakasimple lang naman...
Sabi nya sa atin "Mahalin mo ang iyong Panginoong Diyos ng Buong puso, isip, kaluluwa at kalakasan at mahalin natin ang ating kapwa tulad ng ating sarili.." (Mateo 22:37) Hindi naman siya mahirap di ba?! simple lang naman , para din naman sa ikakabuti natin ang kanyang gusto... Pero minsan masakit din di ba yung makita mo ang ibang tao o ang isang kapatid na may paboritismo? Yung tipo ba na ang pagtingin sa mga kapatid ay di pantay, may mas mahal, may mahal na mahal, at may ok lang; tama ba naman yun? Sabi nga sa Bible Love others as we Love ourself. Tandaan natin ang keyword na "Love others" hindi lang love other. gustong sabihin hindi lang sa isa kundi lahat kahit na yung mga nakakagawa ng masama sa atin. "Kung mahal natin si God ay tutupadin natin at susundin ang kanyang lahat ng utos." Juan 14:23 Ngayon mahal nga ba natin si Hesus kung ang pinagsisilbihan lang natin at minamahal ay ang ating mga Pastor at ibang miyembro na may mabuting naidudulot sa atin? Dapat naman sana kung ano ang turing natin kay Pastor ay siyang turing din natin sa ating mga kapatid sa Panginoon at maging sa ating mga kaaway dahil yan ang sinasabi ng Bibliya. nagsermon ba naman si Pastor... di po nageexpress lang po... Minahal tayong lahat ni Hesus at inialay niya ang kanyang buhay para sa ating lahat kaya dapat din nating mahalin ang lahat ng ating kapwa na walang itinatangi at hinihintay na kapalit. Tandaan natin kung ano ang ginawa natin sa iba ay siyang ginawa din natin sa ating Panginoong Hesus at higit ang gantimpala ng mga yaong tumutulong sa ibang tao na walang kakayahan na magbalik ng kabutihan ginawa natin sa kanila...... sige na nga tama na to... sa DIYOs ang pagsamba at pagpupuri

No comments:

Post a Comment